Sa 6-pahinang desisyon ni QCRTC Judge Jaime Salazar ng Branch 109, inatasan din ng korte ang akusadong si Kristine Victoria alyas Ten-Ten na magbayad ng halagang P500,000 bilang multa.
Batay sa Court record, noong May 1, 1999, si Victoria ay nakipag-ayos sa isang police deep penetration agent (DPA) para bumili ng shabu mula rito.
Nagkasundo ang magkabilang panig na magkita na lamang at gawin ang bentahan ng droga sa may Aberdeen Court sa Quezon Avenue, Quezon City na hindi alam ni Victoria na ilalatag na ito sa bitag ng mga pulis.
Ganap na alas-11 ng gabi, nagkita ang DPA at si Victoria sa harap ng gusali ng Aberdeen. Ilang saglit, nagtungo muna sa loob ng Aberdeen ang akusado at makatapos ang 15 minuto ay lumabas ito dala ang isang grocery bag na naglalaman ng droga.
Nang mag-aabutan na, habang dala ng DPA ang kabayaran na boodle money na P900,000 at P500 bills at iaabot naman ni Victoria ang may 797 gramo ng shabu ay agad naman itong hinuli ng mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation laban sa akusado.
Sa pulisya, inamin ni Victoria ang kasalanan subalit hindi nito napangalanan ang mga kakutsaba sa sindikato.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Judge Salazar, "naaawa ako sa kanya, kaya lang dapat siyang parusahan sa kanyang ginawang kasalanan sa batas," pahayag ng hukom matapos ang promulgasyon sa kaso. (Ulat ni Angie dela Cruz)