Ito ay matapos umanong hindi payagan ni Manila Mayor Lito Atienza na makapagsagawa ng proclamation rally ang kampo ni mayoralty candidate at dating DILG secretary Alfredo Lim sa "pinaganda" nitong Plaza Miranda sa Quiapo makaraang ma-deny umano ang aplikasyon ng partido ni Lim para gamitin ang nasabing plaza sa Marso 31 sa alas-4 ng hapon.
Ayon kay Roger Gernale, runningmate ni Lim at council majority floorleader, nag-aplay sila ng permit para makapagsagawa ng proclamation rally pero tinanggihan ng walang paliwanag na ibinigay. "Bakit nabili na ba nila ang Plaza Miranda? Akala ko ba ito ang ipinagmamalaki niyang (Atienza) accomplishment eh, bakit natatakot siyang ipagamit ito sa amin," wika ni Gernale.
Gayunman, nakatakda namang ituloy ng partido ni Lim ang nasabing rally kahit tinanggihan ang kanilang request. (Ulat ni Andi Garcia)