Ang hakbang ay ginawa ng DENR matapos na ireklamo ng Kalipunan ng Maliliit na Mangingisda sa Manila Bay na ang basurang dinadaong ng MMDA sa Pier 18 na dadalhin sa Semirara Island ay isa sa mga nagpapadumi sa Manila Bay, bukod pa dito ang mga langis at krudo, gayundin ang mga basura ng mga residenteng nakatira sa paligid ng baybayin.
Hiniling na rin ng DENR ang tulong ng Philippine Coast Guard at environmental-NGOs para sa pagmomonitor at pagbabantay sa mga nagtatapon ng basura sa Manila Bay.
Sakaling mapatunayang nagkasala ang MMDA sa pagbabagsak ng mga basura na dadalhin sa Semirara island ay papanagutin nila ang mga opisyal nito alinsunod sa PD 979 o Marine Pollution Decree of 1976 . (Ulat ni Angie dela Cruz)