^

Metro

Basura ng MMDA sa Manila Bay pinasisiyasat

-
Ipinag-utos kahapon ni Environment Secretary Joemari Gerochi sa Environmental Management Bureau (EMB) na siyasatin ang ulat na maging ang mga basura ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na dinadala sa Semirara Island ay nagdudulot ng pagdumi sa naturang baybayin.

Ang hakbang ay ginawa ng DENR matapos na ireklamo ng Kalipunan ng Maliliit na Mangingisda sa Manila Bay na ang basurang dinadaong ng MMDA sa Pier 18 na dadalhin sa Semirara Island ay isa sa mga nagpapadumi sa Manila Bay, bukod pa dito ang mga langis at krudo, gayundin ang mga basura ng mga residenteng nakatira sa paligid ng baybayin.

Hiniling na rin ng DENR ang tulong ng Philippine Coast Guard at environmental-NGOs para sa pagmomonitor at pagbabantay sa mga nagtatapon ng basura sa Manila Bay.

Sakaling mapatunayang nagkasala ang MMDA sa pagbabagsak ng mga basura na dadalhin sa Semirara island ay papanagutin nila ang mga opisyal nito alinsunod sa PD 979 o Marine Pollution Decree of 1976 . (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CRUZ

ENVIRONMENT SECRETARY JOEMARI GEROCHI

ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU

MANILA BAY

MARINE POLLUTION DECREE

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PHILIPPINE COAST GUARD

SEMIRARA ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with