6 pulis-SPD sabit sa hulidap
March 29, 2001 | 12:00am
Anim na tauhan ng Southern Police District (SPD) ang ipinagharap ng kaso sa Makati City Prosecutors Office kahapon matapos umanong "i-hulidap," taniman ng shabu at kotongan ng halagang P1 milyon ang dalawang babae sa isang anti-drug operation na isinagawa noong Enero taong kasalukuyan sa Mandaluyong City.
Sinampahan ng mga kasong arbitrary detention, robbery/extortion, robbery, planting of evidence at perjury sina PO3 Salvio de Lima, PO2 Gerald Marion Lagos, PO1 Martin Carullo, SPO2 Arthur Velasco, isang SPO1 Mallari at SPO1 Bansuela na pawang nakadestino sa Drug Enforcement Unit ng SPD.
Samantala ang nagharap ng reklamo ay sina Grace Corcuera at Elenita Milan, kapwa nakatira sa #137-A at B Neptune st., Dreamland subdivision, Mandaluyong City.
Sa reklamo ng unang complainant na si Corcuera, Enero 24, 2001 dakong alas-11 ng gabi habang naglalaro sila ng tong-it ng kapatid na si Ronald Milan at isang Helen Mecilo sa kanyang inuupahang apartment sa #137-A nasabing lugar ng bigla silang pasukin ng nasabing mga pulis.
Ayon kay Corcuera, inaresto at inaakusahan siya ng mga ito na umanoy sangkot sa droga na kanyang itinanggi hanggang sa malaman niya na "tinaniman" siya ng shabu at tinangay rin ang kanyang mga alahas, bank book at cash na kinabibilangan ng $410.00 at P3,000.
Bandang alas-6 ng umaga kinabukasan, sinunod na dinakip ng nabanggit na mga pulis ang isa pang complainant na si Milan na inakusahan naman ng umanoy kakutsaba ni Corcuera sa droga.
Tulad ni Corcuera, tinaniman din umano ng droga si Milan, ni-ransack ang bahay at tinangay ang ilang mahahalagang kagamitan nito.
Habang nakakulong ang dalawang babae ay hiningian umano sila ng P1 milyon para makalaya at kung hindi maibibigay ang halaga ay gagawin umanong 800 gramo ng shabu ang "itinanim" sa kanila.
Ayon pa kay Milan, dahil dito kaya naghagilap sila ng kanyang mga kaanak ng halagang P98,000 at paunang ibinigay ito sa nabanggit na mga pulis sa pamamagitan ng kanyang kapatid na si Ronald noong Enero 25, at noong Enero 27 ay muli silang nagbigay ng P50,000. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended