Manila Bay, ginawa ng dumpsite
March 28, 2001 | 12:00am
Ginagawa na umanong dumping site o tapunan ng basura ang Manila Bay simula pa noong Nobyembre 2000, pagbubunyag kahapon ni Quezon Rep. Wigberto Tañada.
Ayon kay Tañada, nangangamba ang mga mangingisda sa naturang karagatan na ang itinatapong mga basura ay bahagi ng tone-toneladang dumi na hindi tinanggap sa Semirara Island sa Antique.
Sa pahayag ng isang residente ng Cavite City na nakilalang si Arnel Viray, isang barko na puno ng basura ang nakita nito sa Manila Bay noong nakaraang Nobyembre at basta na lamang itinapon ang dalang basura sa dagat.
Ibinunyag rin ng isang Ronald Sales, residente rin ng Cavite na isang "barge" at isa pang barko ang nakikita sa Manila Bay sa pagitan ng alas-8 hanggang alas-11 ng umaga, tatlo hanggang limang beses bawat araw at nagtatapon din ng basura sa dagat.
Bunga nito, hinikayat ni Tañada ang pamahalang Arroyo na ipag-utos sa mga kinauukulang ahensiya na imbestigahan ang hinggil sa illegal na gawain dahil malaking pinsala umano ang idudulot nito sa may 300,000 mangingisda kung hindi matitigil ang pagtatapon dito ng basura. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended