Masuwerteng taga-Bacolod !
March 27, 2001 | 12:00am
Ito umano ang madalas maibulalas ni Gaudencio Anacan, Jr., 52, binata at residente ng 9-D Int. Aguinaldo St. Purok Kamote Kahoy, Brgy. 9, Bacolod City.
Siya ang major prize winner ng Pilipino Star NGAYON Trivia V Contest. Napanalunan ni Gaudencio ang grand prize na isang magara at bagung-bagong Suzuki Super Carry Van.
First time na lumahok ni Gaudencio sa PSN Trivia contest pero madalas daw siyang sumali sa ibang promo ng sari-saring produkto ngunit ni minsay hindi siya pinalad manalo.
Taimtim daw siyang nagsimba at nanalangin na sanay papanalunin siya ng Panginoon.
"Talagang blessing ito ng Panginoon," aniya. Mantakin mo naman na mga 20 kupon lamang ang naihulog niya at siya pa ang pinalad na magwagi ng grand prize!
Isang dating seaman si Gaudencio na ngayoy proprietor ng isang cafeteria na Millennium Cafe sa Bacolod. Hindi nabanggit ni Gaudencio kung bakit sa edad niyang 52-anyos ay hindi siya nag-asawa pero aniyay maligaya siya sa piling ng kanyang ina at mga kapatid (apat na babae at tatlong lalake).
Nakalimutan umano ni Gaudencio na bumili ng sipi ng PSN na kinatatalaan ng mga nagsipagwagi sa grand draw kamakailan. Pero laking sorpresa raw sa kanya nang ibalita ito ng kanyang bayaw na nakasalubong niya habang siyay namamalengke.
Nang tanungin kung ano ang plano niya sa kanyang premyo, aniyay gagamitin niya itong service sa kanyang mga lakad.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended