Ito ang nabatid kahapon sa amang si Rolando na nagsabing madalas na silang nakakatanggap ng tawag sa telepono at pinagsasabihan na kahit ano aniya ang gawing follow-up sa ng mga awtoridad sa kaso ni Claudine ay wala na anyang mangyayari at mauuwi lamang ito sa wala.
Sa kabila na sinasabi ng Parañaque police na may lead na sila sa kaso ni Claudine, mahigit 15 araw na simula ng maganap ang rape-slay ay wala pang nadadakip na mga suspek na labis na ikinaiinip ng mga kaanak nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)