Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Alberto Lerma ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 256, inaresto ng pulisya ang suspek na si Rosalinda Honrado Orbito, 38,na umano ay may tatlong anak sa faith healer na si Alex Jun Orbito at residente ng Lot 4,Adarna St.,Bayan Luma, Sarreal Subd., Imus, Cavite.
Ang suspek ay inaresto matapos na ito ay hindi dumadalo sa pagdinig ng kasong estafa na isinampa ni Ma.Lourdes Villanueva ng Muntinlupa City.
Sa reklamo ni Villanueva na noong Disyembre 1998 ay bumili sa kanya si Orbito ng mga alahas na nagkakahalaga ng P1,636,000 at dalawang post-dated checks ang ibinayad sa kanya.
Nang papapalitan na ni Villanueva ang dalawang tseke sa bangko ay doon lang nito natuklasan na walang pondo sa bangko si Orbito.
Kapag ito ay sinisingil na ni Villanueva ay laging sinasagot ni Orbito na wala pa siyang pera kayat napilitan itong magsampa ng kaso.
Nakakulong ang suspek sa Muntinlupa at makakalaya lang ito kapag nakapag-piyansa ng P275,600. (Ulat ni Lordeth Bonilla)