^

Metro

Pawnshop, 2-minuto lang tinira ng 'Martilyo Gang'

-
Anim na armadong lalaki na pawang nakasuot ng camouflage at pinaniniwalaang mga kasapi ng kilabot na ‘martilyo gang’ ang muling sumalakay sa isang pawnshop matapos ang ilang buwang pananahimik at tinatayang may P100,000 halaga ng iba’t ibang uri ng alahas ang kanilang natangay sa loob lamang ng mahigit dalawang minutong holdup/robbery, kahapon ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Sa spot report ng Western Police District-Theft and Robbery Section na pinangangasiwaan ni Senior Insp. Eddie Cruz, dakong ala-una ng hapon nang pasukin ng naturang gang ang Ablaza Pawnshop sa Morayta st. kanto ng Nicanor Reyes st., Sampaloc.

Lulan ng isang Honda Civic na kulay abuhin na may plakang WDS-990 ang anim na suspek na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril at ipinarada ang kanilang sasakyan sa harapan ng nasabing pawnshop.

Tatlo sa mga suspek ang pumasok sa pawnshop at nagpanggap na mga kostumer hanggang sa magpahayag ng holdap at disarmahan ang security guard na si Morito Sequiera ng Anti-Crime Force Security Agency.

Samantala, ang dalawa naman ay nagpanggap na tumutulong sa pagsasaayos ng takbo ng trapiko habang ang isa ay nakaantabay sa kanilang sasakyan na nakaparada lamang ilang metro ang layo sa naturang pawnshop.

Sa loob lamang ng dalawang minuto, nagawang makulimbat lahat ang naka-display na mga alahas makaraang pagbabasagin ng mga holdaper ang istante at tuluy-tuloy na tumakas sa nakaantabay nilang get-away car at mabilis na pinasibat patungong Quezon City.

Nagsasagawa na ng pursuit operation ang mga kagawad ng WPD para tugisin ang mga suspek. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ABLAZA PAWNSHOP

ANTI-CRIME FORCE SECURITY AGENCY

EDDIE CRUZ

ELLEN FERNANDO

HONDA CIVIC

MORITO SEQUIERA

NICANOR REYES

QUEZON CITY

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with