Barung-barong sinunog ng kagalit; nene nalitson
March 25, 2001 | 12:00am
Masakit na paghihiganti sa kanya ang natamo ng isang tindero matapos na mamatay ang kanyang 1-taong gulang na anak na babae habang muntik na ring masunog ang dalawa pa niyang anak ng silaban ng kagalit niyang kapitbahay ang tinitirahan nilang barung-barong gamit ang isang kandila, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Mistulang litson na nang datnan ni Michael Mendoza, 30, vendor ng sigarilyo, residente ng Ortigas Avenue Extension, Bgy. Rosario, Pasig City, ang anak na si Kyle sanhi ng pagtatamo ng 6th degree burns.
Ginagamot naman sa Pasig City General Hospital (PCGH) ang mga nakaligtas na sina Sheena, 2; at John Christian, 3, sanhi ng 1st degree burns.
Hindi naman nakawala sa kanyang pananagutan ang suspek na si Angelito Manalo, 38, metal scrapper, kapitbahay ng mga biktima. Naaresto siya ng mga awtoridad matapos ituro ng anak ni Mendoza na si Brent Allen, 5, na siyang nanunog ng kanilang bahay.
Sa ulat ni PO3 Ernesto Paraso Jr., naganap ang panununog dakong alas-8:24 ng gabi kamakalawa habang wala sa bahay si Mendoza at asawa nitong si Sheila, 29 na kasalukuyang nagtitinda ng sigarilyo sa harap ng Ever-Gotesco-Ortigas Mall habang nagliliyab naman ang kanilang bahay.
Sa salaysay ni Brent, nakita umano niya ang suspek na pumasok sa loob ng kanilang bahay at sinindihan ang ilang pirasong tela gamit ang isang kandila.
Ayon kay Paraso, nag-umpisa ang sigalot nina Mendoza at Manalo nang isuplong umano siya sa pulisya ng una na siyang responsable sa naganap na nakawan ng mga materyales sa isang construction site na pinagtatrabahuhan niya.
Nahaharap sa kasong arson, murder at double frustrated murder si Manalo. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended