^

Metro

Bentahan ng 'Live Show' VCDs grabe na !

-
Tumitindi na ang epekto ng kontrobersiyal na pelikulang "Live Show" hindi lamang sa mga sinehan kundi maging ang bentahan ng mga video compact discs (VCDs) nito ay talamak na rin kung saan napaulat na nasapawan na ang ibang bold tapes na inilalako sa iba’t ibang lugar sa kamaynilaan.

Sa halip na mapigil ang mga tao sa panonood ng pelikulang nabanggit na nauna nang ipinagbawal sa mga sinehan, patuloy naman itong dinudumog at pinapanood maging ng mga menor-de-edad matapos mabatid na napakalakas ng bentahan ng pirated video compact discs (VCDs) sa iba’t ibang pamilihan sa Maynila.

Sa paglilibot sa mga tindahan at pakikipanayam sa mga vendor nito, napag-alaman na nagkakaubusan na ng suplay ng Live Show vcds dahil sa pagiging in-demand nito.

Ayon kay Hasim Barruka, 27, tindero ng isang tiangge ng pirated VCD sa loob ng Greenhills Shopping Complex na higit sa 1,500 kopya ng Live Show ang nabebenta nila sa isang araw lamang at hindi na umano nila ma-meet ang order ng VCD ng kanilang mga kostumer. Katwiran umano ng mga parokyano, gusto nilang malaman kung anong meron sa naturang pelikula na nagdulot para makialam maging ang Simbahan na nagresulta naman para mag-resign si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Nicanor Tiongson.

Ang pagbibitiw na ito ni Tiongson ang nagbunsod naman para maging curious ang mga moviegoers at panoorin ang pelikulang ito ni Jose Javier Reyes na pinagbibidahan ng mga sexy stars na sina Ana Capri, Klaudia Koronel at Hazel Espinosa.

Nabatid pa na sinamantala ng mga tindero na magtaas ng presyo mula sa regular na P65 ay naging P80 na ang bawat vcd nito.

Bunga nito, humina naman ang bentahan ng mga bold vcd na kanilang ibinebenta ng patago dahil sa Live Show.

Samantala, nagpahayag si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na wala nang konsiderasyon pang ibibigay ang pamahalaan sa direktiba nito para bawiin ang permiso sa pagtatanghal ng Live Show.

Sa isang press conference kahapon sa La Union, sinabi ng Pangulo na ang People Power II ay nagtagumpay dahil ang hangad ng mamamayan ay magkaroon ng mataas na pamantayan sa moralidad at ito ang panuntunan ng kanyang bagong pamahalaan.

Hindi anya niya mapahihintulutang ang moral evolution na kanyang inilunsad sa pamamagitan ng EDSA Dos ay mawasak dahil lamang sa pagpapahintulot ng pagtatanghal ng pelikulang lihis sa ipinatutupad na pamantayang moral.

Ang pahayag ng Pangulo ay tuluyang pumatay sa anumang hibla ng pag-asa na maaari pang bigyan ng konsiderasyon ang pagbawi sa permiso ng MTRCB kaugnay ng gagawing pagrerepaso sa Live Show ng Malacañang Appeals Committee.

Kaugnay nito, nakatakdang mag-rali ang iba’t ibang cause-oriented groups bukas upang tutulan ang pagbabawal sa pagpapalabas ng nasabing pelikula tungkol sa mga torero’t torera (sex workers). (Ulat nina Danilo Garcia at Lilia Tolentino)

ANA CAPRI

APPEALS COMMITTEE

CHAIRMAN NICANOR TIONGSON

DANILO GARCIA

GREENHILLS SHOPPING COMPLEX

HASIM BARRUKA

HAZEL ESPINOSA

JOSE JAVIER REYES

LIVE SHOW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with