Ang biktima ay nakilalang si J.M. Estrella,grade 2 pupil ng Maximo Estrella Elementary School na matatagpuan sa Bgy. Carmona at residente ng H. Santos St., Tenement, Bgy. Tejeros ng nasabing lunsod habang ang guro ay nakilalang si Adoracion Garcia.
Sa salaysay ng biktima kay SPO4 Columbia Ferraren ng Womens and Children Desk Section na ang insidente ay naganap dakong alas-4 ng hapon sa labas ng silid aralan ng suspek. Katatapos lamang umano ng klase ng manukso ng ngo-ngo ang isang ka-eskwela ng biktima na siyang naging dahilan para magkaroon ng gulo.
Lumabas ang guro at tinanong kung sino ang nagpasimuno ng gulo subalit nakita nito ang biktima na tumatawa ng malakas kaya sa sobrang galit ay nadampot nito ang isang tasa sa kanyang mesa at ibinato sa huli. Hindi pa umano nasiyahan ang guro ay kumuha pa ito ng walis tambo at hinataw nito sa binti ang biktima.
Pag-uwi sa bahay ay agad na nagsumbong ang biktima sa kanyang lola na siyang nagsumbong sa pulis at inireklamo ang suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)