^

Metro

Pupil na tumawa nang malakas, hinataw ng guro

-
Namamaga ang kaliwang binti sa tinamong pasa ng isang 8 anyos na batang lalaki matapos itong batuhin ng tasa at hatawin pa ng walis tambo ng kanyang guro na nagalit sa malakas nitong pagtawa kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Ang biktima ay nakilalang si J.M. Estrella,grade 2 pupil ng Maximo Estrella Elementary School na matatagpuan sa Bgy. Carmona at residente ng H. Santos St., Tenement, Bgy. Tejeros ng nasabing lunsod habang ang guro ay nakilalang si Adoracion Garcia.

Sa salaysay ng biktima kay SPO4 Columbia Ferraren ng Women’s and Children Desk Section na ang insidente ay naganap dakong alas-4 ng hapon sa labas ng silid aralan ng suspek. Katatapos lamang umano ng klase ng manukso ng ngo-ngo ang isang ka-eskwela ng biktima na siyang naging dahilan para magkaroon ng gulo.

Lumabas ang guro at tinanong kung sino ang nagpasimuno ng gulo subalit nakita nito ang biktima na tumatawa ng malakas kaya sa sobrang galit ay nadampot nito ang isang tasa sa kanyang mesa at ibinato sa huli. Hindi pa umano nasiyahan ang guro ay kumuha pa ito ng walis tambo at hinataw nito sa binti ang biktima.

Pag-uwi sa bahay ay agad na nagsumbong ang biktima sa kanyang lola na siyang nagsumbong sa pulis at inireklamo ang suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ADORACION GARCIA

BGY

BIKTIMA

CARMONA

CHILDREN DESK SECTION

COLUMBIA FERRAREN

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAXIMO ESTRELLA ELEMENTARY SCHOOL

SANTOS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with