2 pulis na 'protektor ng cellphone gang kinasuhan
March 24, 2001 | 12:00am
Pormal nang sinampahan ng kaso sa Quezon City Prosecutors office ang dalawang miyembro ng CPD Station 11 na mga umanoy protektor at sangkot sa pagpatay sa dalawang snatcher at pagkasugat ng isa pa na pawang mga miyembro ng cellphone gang sa Quezon City.
Nakakuha ng probable cause ang korte kayat kinasuhan ng homicide at child abuse si PO1 Socrates Galvez habang si PO2 Ruel Yepes ay nahaharap sa kasong 2 counts of murder at frustrated murder.
Nakahandang palayain ng piskalya sina Galvez kung makakapagpiyansa ito ng halagang P300,000 sa mga kaso nito habang si Yepes ay sa halagang P104,000.
Magugunita na noong Miyerkules ay binaril at napatay ni Yepes sina Francis Mijares,15 at Richard Embile habang malubhang nasugatan si Joel Deceo matapos na mahuling inagawan ng mga ito ng Nokia 3310 ang isang Melvin Pala sa kahabaan ng E. Rodriguez kanto ng Araneta Avenue, Quezon City.
Subalit itinuro ni Gng.Yolanda Deceo,ina ni Joel na si Galvez ang utak at nag-utos sa mga biktima na mang-agaw ng cellphone para umano mairegalo sa kanilang mga kasintahan.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa CPD-CID detention cell sa Kampo Karingal. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am