^

Metro

Seaman na hindi nakasakay ng barko, nagbigti

-
Sa sobrang depresyon sa buhay dahil hindi nakasakay ng barko isang 24-anyos na seaman graduate ang nagbigti kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang tahanan sa Makati City.

Hindi na umabot ng buhay sa Makati Medical Center ang biktima na nakilalang si Maurillo Divina, residente ng P. Cortez St., Bgy. Pinagkaisahan ng nasabing lungsod.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Reynaldo Juan ng Homicide Division ng Makati PNP na dakong alas-9 ng gabi nang matagpuan ang biktima ng kanyang bayaw na si Antonio Digol na nakabigti ito gamit ang nylon cord.

Agad na binaba ni Digol ang biktima mula sa pagkabigti at mabilis na isinugod sa nabanggit na ospital subalit ito ay idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa pahayag ng mga kamag-anak ng biktima kay PO2 Juan na isa sa dahilan kung bakit umano nagpakamatay ang biktima ay dahil sa hindi ito makasakay ng barko gayong kumpleto na siya sa mga papeles sa pagiging seaman matapos maka-graduate. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANTONIO DIGOL

BGY

CORTEZ ST.

DIGOL

HOMICIDE DIVISION

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MAURILLO DIVINA

REYNALDO JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with