Sa kanyang 10-pahinang complaint, sinabi ni Berroya, ng #56 Hillsideloop st., Blueridge, QC sinabi nito na hindi makatwiran ang pagpapakulong sa kanya ni Estrada matapos isangkot ang kanyang pangalan sa Jack Chou kidnapping case noong May 11, 1993.
Si Berroya na sinamahan ng kanyang abogadong si Atty. Nelson Borja sa pagtungo sa korte, ay humihingi ng P10M para sa moral damages, P3M exemplary damages at P200,000 lawyers fee.
Binigyang diin ni Berroya na nagkaroon ng pang-aabuso sa tungkulin si Estrada bilang PACC chief at Vice President ng mga panahong yon ng magpalabas ng gawa-gawang saksi sa kanyang kaso.
Ani Berroya, ang walang basehan at malisyosong pagdidiin sa kanya sa naturang kaso at sa dalawang iba pa na kasama niyang nakulong sa kasong kidnapping ay nagdulot para masira ang kanyang pagkatao at reputasyon, dumanas ng panlalait ng lipunan at moral shock.
Si Berroya ay apat na taong nakulong sa Intelligence Services ng Armed Forces of the Philippines at Maximum Security Prison sa National Penitentiary sa Muntinlupa City. (Ulat ni Angie dela Cruz)