Nahaharap sa kasong act of lasciviousness at child abuse sa Manila Prosecutors Office ang suspek na si Robert Fordan, Science teacher ng Tondo High School at nakatira sa Rawis st., Tondo.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay base sa reklamong isinampa ng mga estudyanteng tinago sa mga pangalang Jay at Christopher, kapwa 14 anyos at nakatira sa Quezon st.; Gilbert, 13, ng Panday Pira st. at Melber, 13, ng Capulong st., pawang ng Tondo.
Ayon kay WPD Balut police station 1 commander Supt. Danilo Pelisco, sinabi ng mga biktima na pinangakuan sila ng suspek na ipapasa sa kanilang asignatura kapag pumayag ang mga ito na makipag-oral sex sa suspek. Sa takot na bumagsak ay napilitan silang sundin ang hinihingi ng suspek.
Inisa-isa umano sila sa magkakahiwalay na petsa nitong Marso at isinasagawa ang kababuyan sa loob ng banyo ng naturang paaralan kapag nakauwi na ang halos lahat na mga estudyante at mga guro.
Kahapon ng madaling araw dakong alas-12:35 ng madaling araw sa bisa ng warrant of arrest ay inaresto si Fordan sa bahay nito. (Ulat ni Ellen Fernando)