Driver ng oil tanker sa coastal tragedy susuko na
March 22, 2001 | 12:00am
Nakatakdang sumuko anumang araw ngayon ang driver ng tanker na responsable sa malagim na aksidente sa coastal road, Parañaque City na ikinasawi ng 14 katao noong nakaraang Lunes ng umaga.
Ayon kay Sr. Insp. Erma Marquez, hepe ng Parañaque City Traffic Division, ipinarating umano sa kanya ni Ernie Gopez, general manager ng DP Freight Services at may-ari ng tanker na minamaneho ng suspek na si Gilbert Galleron na susuko na ang huli.
Si Galleron ay nasampahan na ng kasong multiple homicide thru reckless imprudence at multiple physical injuries.
Samantala, apat pa sa mga nasawi ang kinilala na sina Emelita Yansom, 42, ng Mendez, Cavite; Leonida Barroga, 41, ng Salinas, Rosario, Cavite; Emelita Sabalboro at Orlando Sabalboro, 19, kapwa ng Imus, Cavite; at Danilo Benguello, 36, ng Bgy. Salawag, Dasmariñas, Cavite. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended