Pajero kinarnap, may-ari nakaladkad
March 22, 2001 | 12:00am
Isang 19-anyos na De La Salle student ang nakaladkad ng kanyang Pajero ng magpumilit itong sumabit habang kinakarnap ang kanyang sasakyan ng dalawang lalaki, kahapon ng tanghali sa Taft Avenue, kanto ng Vito Cruz, Malate, Maynila.
Tinutugis na ang mga suspek na tinaya sa edad 20-25 na tumangay sa kulay maroon na Pajero na may plakang UNU-959 na pag-aari ni Julian Robert Coling, ng Lores subd., Country Homes, Antipolo City. Si Coling ay nagtamo ng mga galos ng makaladkad may ilang metro ang layo bago tuluyang mahulog.
Nabatid sa WPD Anti-Carnapping section, dakong alas-11:05 ng tanghali ay pumarada si Coling sa pinapasukang Saint Benilde La Salle sa Taft Ave. Habang nasa labas ng Pajero at may kausap sa kanyang cellphone ay nakarinig siya ng kalabog ng pinto at nagulat ng makita ang dalawang lalaki na nasa loob na ng Pajero.
Biglang pinaandar ng mga suspek ang sasakyan sabay hawak naman ng biktima sa likuran at kinalabog ang Pajero habang tumatakbo. Pero dahil sa nagpa-ekis-ekis ang sasakyan ay nakabitiw ito.
Inalarma na ni Sr. Insp. Ador Arevalo ang District Tactical Operation Center para sa pagkakadakip ng mga suspek. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended