Snatcher hinabol ng buntis, tiklo
March 22, 2001 | 12:00am
Hindi inalintana ng isang 28-anyos na buntis na ginang na baka mapahamak ang kanyang nasa sinapupunan ng tugisin nito ang isang snatcher na tumangay ng kanyang pitaka na naglalaman ng pera na gagamitin niya sa panganganak, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Masuwerteng hindi dinugo ang biktimang si Mary Joy Ann Ruales, residente ng #9 Bernabe st., South Admiral Village, Merville nasabing lungsod.
Nadakip naman ng rumespondeng pulis ang suspek na si Melchor San Mateo, 38, ng Ilugan, Bgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Sa report ng pulisya, sakay ang biktima ng isang tricycle kasama ang kanyang ina dakong alas-12:45 ng tanghali at patungo sana sa palengke ng matiyempuhan sila ng suspek at biglang hablutin ang tangan nitong wallet na naglalaman ng P15,137.00.
Sa halip na pabayaan, bumaba ng tricycle si Ruales at hinabol ang suspek kasabay ng pagsigaw ng saklolo.
Para mailigaw ang biktima, pumasok naman ang suspek sa loob ng Pasig city market at nakihalo sa maraming tao.
Samantala, rumesponde naman si PO3 Ignacio Santos, ng Pasig Police Follow-up Unit at tumulong sa paghahanap sa suspek.
Hindi natagalan ay nakita ni Ruales si San Mateo at itinuro sa pulis at nadakip ang suspek kasabay ng pagkabawi sa pitaka ng biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest