Isa pa sa sugatang agaw-cellphone namatay din
March 22, 2001 | 12:00am
Isinailalim sa technical arrest at sinampahan na ng 2 counts of homicide sa piskalya ang isang tauhan ng Central Police District (CPD) makaraang mamatay rin ang isa pa sa dalawang sugatang agaw-cellphone members na pinagbabaril nito, kamakalawa ng umaga sa Quezon City.
Si PO3 Ruel Yepes, nakatalaga sa Precint 2 ng station 11 ay sinampahan ng kasong 2 counts of homicide sa QC Prosecutors office dahil sa pagkakabaril at pagkakapatay sa suspek na si Francis Mijares, 15.
Samantala namatay din habang ginagamot sa East Avenue Medical Center si Richard Embile, 16, habang patuloy pa ring nilalapatan ng lunas sa National Orthopedic Hospital ang isa pang sugatang si Joel Dipio.
Ang tatlo ay magugunitang pinagbabaril ni Yepes makaraang agawin ang Nokia 3310 cellphone ng isang Melvin Pala sa kahabaan ng E. Rodriguez Ave. malapit sa St. Lukes Hospital dakong alas-7:30 ng umaga noong nakaraang Martes.
Ayon sa mga kaanak ni Embile, bago umano maganap ang insidente ay binigyan ng ultimatum ng hanggang alas-12 ng tanghali ang mga suspek ng ilang kagawad ng station 11 para makakuha ng cellphones na ibibigay naman umano sa mga kasintahan ng mga nasabing pulis. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended