^

Metro

Di makabayad sa test paper, 10 pupil minaltrato

-
Posibleng masibak ang isang guro sakaling mapatunayan na pinalo umano nito ng tsinelas ang kanyang10 estudyante na hindi nakabayad sa kanilang test paper, kamakalawa ng hapon sa Maynila.

Nakatakdang ipatawag ni P/Supt. Ernesto Ibay, station commander ng Jose Abad Santos police station 7 si Mrs. Berginita Saus, Filipino at Hekasi teacher sa Barrio Obrero Elem. School.

Ang aksiyon ni Ibay ay bunsod ng reklamo kahapon ng mga magulang ng apat sa 10 mag-aaral na sina Jordan Kenneth Yumang, 12; Angelo Nino Gumalico, 11; Rogamin Vargas, 12, at Harold Meltion, 12, pawang Grade V section 10 nabanggit na paaralan.

Sa pahayag ng mga estudyante, nagalit umano ang kanilang guro ng maantala ang kanilang pagbabayad sa kanilang test paper para sa tatlong araw na achievement test na nagkakahalaga ng P16 noong Lunes.

Nang singilin sila ng guro at walang maibayad ay agad umanong kinuha nito ang kanyang tsinelas at ipinalo sa mga estudyante.

Nakakuha lamang ng exam ang mga bata ng magtungo ang mga ito sa principal’s office at magsumbong dakong alas-3 ng hapon.

Nagbanta naman si Ibay na kung hindi magtutungo ang naturang guro sa kanyang himpilan at sagutin ang reklamo sa loob ng 24 oras ay magsasampa ito ng reklamo sa DECS. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANGELO NINO GUMALICO

BARRIO OBRERO ELEM

ELLEN FERNANDO

ERNESTO IBAY

GRADE V

HAROLD MELTION

IBAY

JORDAN KENNETH YUMANG

JOSE ABAD SANTOS

MRS. BERGINITA SAUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with