^

Metro

Demolisyon itigil !

-
Itigil ang demolisyon!

Ito ang isinisigaw ng daan-daang residente ng Malabon na nagsagawa ng rali sa tapat ng munisipyo para tutulan ang patuloy na pagsasagawa ng demolition sa kanilang mga bahay na nakaapekto na sa may 3,000 pamilya.

Ang demolition ay bunsod umano ng kontrobersiyal na P2 billion Camanava flood control project ng gobyerno.

Dakong alas-9 ng umaga ng magsagawa ng rali sa tapat ng munisipyo ang daan-daang pamilya para kondenahin ang umano’y ginagawang harassment kay Boy Gaudia, chairman ng Bantay Bayan Foundation Inc. na umano’y pinosasan at sinaktan ng mga miyembro ng demolition team sa ilalim ng munisipyo ng Malabon.

Tinuligsa rin ni Eddie Bercilla, presidente ng may 10,000 kasapi ng Pederasyon ng Maralita sa Letre at Catmon (Pedmalac) ang umano’y walang habas na paggiba sa kanilang mga tahanan ng local na pamahalaan na wala man lamang konsultasyong isinagawa sa mga residente dito gayundin ang kawalan ng resettlement area para sa kanilang pansamantalang tuluyan.

Hindi umano titigil ang mga residente sa kanilang protesta hanggat hindi dinidinig ng pamunuan ni Mayor Amado Vicencio ang kanilang karaingan.

Kabilang sa nagprotesta ang mga grupong Kapisanan ng Diwang Maralita, Kamayan ng Maralita sa Letre, Buklod Diwa ng Maralita sa Letre, People Power Association, Ugnayan ng Maralitang Samahan sa Malabon, Power’s Ville Home Owners Asso. at Daang Bakal Homeowners Asso. (Ulat ni Gemma Amargo)

BANTAY BAYAN FOUNDATION INC

BOY GAUDIA

BUKLOD DIWA

DAANG BAKAL HOMEOWNERS ASSO

DIWANG MARALITA

EDDIE BERCILLA

GEMMA AMARGO

LETRE

MALABON

MARALITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with