Isinasaad sa nasabing kasunduan na ang lahat ng ahente ng NBI na magiging biktima ng barilan, masaksak at iba pang uri ng aksidente bunga ng kanilang pagbibigay serbisyo publiko ang makakatanggap ng nasabing benepisyo.
Nakapaloob pa sa MOA na ipapakita lamang ang identification cards ng bawat pasyente upang matiyak na sila ay lehitimong ahente ng NBI.
Sinabi ni Dy na ang pagtulong ng naturang organisasyon sa NBI ay dahil sa isa ang naturang ahensya ng pamahalaan na tumutulong nang malaki sa Chinese community laban sa lumalaganap na kriminalidad sa bansa.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Wycoco sa tulong ng CCA na magsisilbing malaking bagay umano sa parte ng mga ahente na nagbubuwis ng buhay alang-alang sa publiko.
Nabatid na ang libreng gamutan ay hindi lamang sa mga panahong ito ibinibigay ng nasabing organisasyon sa NBI subalit noon pang mga nagdaang panahon na pinigil lamang umano ng nasirang si dating NBI Director Santiago Toledo. (Ulat ni Ellen Fernando)