^

Metro

NBI agents may libreng medical treatment sa Chinese Gen. Hospital

-
Makakatanggap na ng benepisyo ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa pamunuan ng Chinese General Hospital makaraang lagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) kahapon nina NBI Director Reynaldo Wycoco at James Dy, pangulo ng Chinese Charitable Association (CCA) na siya ring may-ari ng naturang ospital at iba pang opisyales ng magkabilang grupo na naglalayong mabigyan ng libreng medical treatment ang lahat ng ahente ng nasabing ahensya upang matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan.

Isinasaad sa nasabing kasunduan na ang lahat ng ahente ng NBI na magiging biktima ng barilan, masaksak at iba pang uri ng aksidente bunga ng kanilang pagbibigay serbisyo publiko ang makakatanggap ng nasabing benepisyo.

Nakapaloob pa sa MOA na ipapakita lamang ang identification cards ng bawat pasyente upang matiyak na sila ay lehitimong ahente ng NBI.

Sinabi ni Dy na ang pagtulong ng naturang organisasyon sa NBI ay dahil sa isa ang naturang ahensya ng pamahalaan na tumutulong nang malaki sa Chinese community laban sa lumalaganap na kriminalidad sa bansa.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Wycoco sa tulong ng CCA na magsisilbing malaking bagay umano sa parte ng mga ahente na nagbubuwis ng buhay alang-alang sa publiko.

Nabatid na ang libreng gamutan ay hindi lamang sa mga panahong ito ibinibigay ng nasabing organisasyon sa NBI subalit noon pang mga nagdaang panahon na pinigil lamang umano ng nasirang si dating NBI Director Santiago Toledo. (Ulat ni Ellen Fernando)

CHINESE CHARITABLE ASSOCIATION

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

DIRECTOR SANTIAGO TOLEDO

ELLEN FERNANDO

ISINASAAD

JAMES DY

MEMORANDUM OF AGREEMENT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with