Vendor inatado ng nasibak na katrabaho
March 20, 2001 | 12:00am
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang dating kasamahang vendor matapos na siraan ng huli sa kanilang amo sanhi ng kanyang pagkakasibak sa trabaho, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Namatay habang sinusugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sanhi ng 13 saksak si Joel Nalia, binata, ng #424 Area-A Parola compound, Tondo.
Tinutugis na ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Jhon Alvin alyas Dodong, umanoy dating kasamahan ng biktima sa pagtitinda ng gulay sa Divisoria.
Sa pagsisiyasat ni detective Dave Tuazon, may hawak ng kaso, nabatid sa testigong si Romy Cortez, 26, kaibigan ng suspek, na naalimpungatan siya dakong alas-2:30 ng madaling araw at nakita na lamang na katabi niya sa kanyang tulugan ang suspek habang hawak-hawak nito ang isang patalim.
"Hawak niya ang mahabang patalim at sinabi niya sa akin na gusto niya akong patayin pero nakunsensiya siya dahil ang may atraso umano sa kanya ay si Nalia dahil sa ginawa nitong pagsusumbong sa kanilang amo," ani Cortez.
Habang paparating ang biktima sa naturang tirahan ng mga ito ay agad na pinatay ng suspek ang ilaw.
Dahil walang kamalay-malay ang biktima ay tuluy-tuloy na pumasok sa kanyang silid hanggang sa salubungin ng sunud-sunod na saksak. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended