Reporter na nagsauli ng plane ticket, pinapurihan
March 20, 2001 | 12:00am
Isang Japanese national ang nagpasalamat sa isang miyembro ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Press Corps matapos nitong isauli ang ticket na gagamitin nito pabalik ng Japan.
Si Rey Pulga, reporter ng Remate at Remate Tonight ay muling nagpakita ng katapatan nang muli niyang ibalik ang isang ticket na business class na nagkakahalaga ng P50,000.
Si Pulga na multi-awardee sa NAIA dahil sa ugali nitong ibalik ang mga napupulot niyang mga mamahaling bagay tulad ng P150,000 cash, alahas at clutch bag ay binigyan ng komendasyon ng dating MIAA general managers sa kanyang mga nagawa.
Sinabi ni Pulga, habang naglalakad ito palabas ng arrival customs area ay napulot nito ang isang business class ticket na nakapangalan sa isang Hideo Sato.
Ayon kay Teresita Roque, NAIA-Bureau of Customs Deputy Collector for Passengers Services na bibigyan ng kanyang tanggapan ng komendasyon si Pulga dahil hindi lamang isang beses ito nagbalik ng mga importante at mahahalagang bagay sa NAIA. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended