Asido inakalang alak nilaklak, trader natigbak
March 20, 2001 | 12:00am
Isang negosyante ang nasawi matapos umano nitong mapagkamalang alak ang kanyang nilagok na isang bote ng muriatic acid, kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktima na nakilalang si Jessie Mallari, may sapat na gulang, may-ari ng isang tindahan ng alahas, nakatira sa Dasmariñas, Cavite at nanunuluyan sa Midland Building, Bgy. Guadalupe Nuevo, lungsod na ito.
Sa imbestigasyon ni PO3 Allan Esquillo, ng Homicide Section, Makati City police, naganap ang insidente dakong alas-9 kamakalawa ng gabi sa tinutuluyang condominium ng biktima.
Nabatid na mag-isa umanong umiinom ng alak ang biktima sa condo unit nito. Dahil sa sobrang kalasingan hindi nito namalayan na ang kanyang nadampot ay isang bote na pala ng muriatic acid. Sa pag-aakalang alak, nilagok ng biktima ang nasabing bote at pagkaraan ng ilang minuto ay bigla itong nahilo at nangisay.
Habang nangingisay ay nakita si Mallari ng isang kasamahan nito sa condominium kayat isinugod ito sa nabanggit na pagamutan pero binawian din ng buhay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am