Mga empleado ng Fabella Hospital nag-hunger strike
March 19, 2001 | 12:00am
Isang empleyado ng Dr. Fabella Memorial Hospital (DJFMC) ang nasa kritikal na kondisyon dahil makaraang magsagawa ng hunger strike kasama ng may 500 kawani nito sa Sta. Cruz, Maynila upang patalsikin ang kanilang mataas na opisyal.
Ito ang nabatid ng PSN kahapon sa djfMH Employees Union matapos ang pang-walong araw na pagha-hunger strike ng mga ito upang hilingin na umalis sa puwesto si Dr. Ricardo Gonzales bilang direktor ng nasabing ospital.
Ang biktima ay nakilalang si Edgar Nicua, dating clerk sa nasabing pagamutan at nakaratay sa isang folding bed habang sinasamahan pa rin ang mga kawani na nagsasagawa ng ayuno.
Pinaratangan ng mga empleyado si Gonzales na nagpapayaman lamang at overstaying sa naturang pagamutan bukod pa sa pagkakasangkot sa ibat ibang anomalya. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am