Oplan Bakbak uumpisahan ng Comelec
March 18, 2001 | 12:00am
Simula sa Marso 23 taong ito ay ipatutupad na ng Commission on Elections ang programa nitong "Oplan Bakbak" para alisin ang lahat ng election streamers at stickers ng lahat ng mga kandidato na lumalabag sa itinatadhana ng Omnibus Election Code.
Nabatid kay Atty. Lope Gayo, supervisor ng Comelec-Quezon City, hindi lamang ang QC ang apektado ng naturang programa kundi ang buong Metro Manila at mga probinsiya.
Nabatid kay Gayo na aalisin nila ang lahat ng streamers at stickers na wala sa tamang lugar. Ang mga stickers at streamers na ito ng mga kandidato ay dapat nasa public place tulad ng palengke.
Sa mga private areas naman, kailangan umanong ang nasabing mga election paraphernalis ay may pahintulot ng mga may-ari ng lugar.
Kaugnay nito, sinabi rin na maging ang mga printing press na pinagpagawaan ng mga streamers/stickers ng pulitiko ay kanilang aalamin upang mabatid kung magkano ang halagang ginugol para dito para naman sa pagsasala ng assets and liabilities.
Ilan sa mga lugar na maaapektuhan ng Oplan Bakbak sa QC ang kahabaan ng Quezon Avenue, E. Rodriguez, Edsa at iba pang major routes sa lunsod. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended