Ito ang galit na pahayag ng mga kaanak ni Claudine Mabelle Feliciano, ang De La Salle graduate na ginahasa at pinatay ng apat na kalalakihan sa Parañaque City, dahil sa umanoy mabagal na hustisya sa sinapit ng biktima.
Ayon sa mga kaanak ni Feliciano, mag-iisang linggo na pero ni isang suspek ay walang nadadakip ang pulisya. Nangangamba anya sila na matulad sa Vizconde massacre ang kaso ni Feliciano dahil na rin sa ang mga nasasangkot na mga suspek ay pinaniniwalaang mga anak mayaman.
Gayunman, sa kabila nito ay umaasa pa rin ang pamilya Feliciano sa mag-iimbestiga na malulutas rin ang kaso kung saan patuloy ang follow-up operation ng pulisya ng Parañaque.
Magugunita na si Claudine ay natagpuang hubot hubad na bangkay sa ilalim ng tulay sa Bgy. San Antonio Valley noong Marso 11 dakong alas-11 ng umaga. (Ulat ni Lordeth Bonilla)