^

Metro

Buhay ng mga killer ni Feliciano hiling na kabayaran

-
Dahil buhay ang inutang kaya dapat rin na buhay ang maging kabayaran!

Ito ang galit na pahayag ng mga kaanak ni Claudine Mabelle Feliciano, ang De La Salle graduate na ginahasa at pinatay ng apat na kalalakihan sa Parañaque City, dahil sa umano’y mabagal na hustisya sa sinapit ng biktima.

Ayon sa mga kaanak ni Feliciano, mag-iisang linggo na pero ni isang suspek ay walang nadadakip ang pulisya. Nangangamba anya sila na matulad sa Vizconde massacre ang kaso ni Feliciano dahil na rin sa ang mga nasasangkot na mga suspek ay pinaniniwalaang mga anak mayaman.

Gayunman, sa kabila nito ay umaasa pa rin ang pamilya Feliciano sa mag-iimbestiga na malulutas rin ang kaso kung saan patuloy ang follow-up operation ng pulisya ng Parañaque.

Magugunita na si Claudine ay natagpuang hubo’t hubad na bangkay sa ilalim ng tulay sa Bgy. San Antonio Valley noong Marso 11 dakong alas-11 ng umaga. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BGY

CLAUDINE

CLAUDINE MABELLE FELICIANO

DAHIL

DE LA SALLE

FELICIANO

GAYUNMAN

LORDETH BONILLA

SAN ANTONIO VALLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with