Lolo na may TB, nagbigti
March 17, 2001 | 12:00am
Upang hindi na maipagamot pa ang sakit sa baga, ipinasya na lamang ng isang 71-anyos na lolo na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti, kamakalawa ng gabi sa kanilang bahay sa Navotas.
Hindi na umabot ng buhay sa Navotas Lying-in-Clinic si Timoteo Anollado, driver, residente ng Blk 33 Lot 19 San Roque nabanggit na bayan.
Sa imbestigasyon ni PO3 Rafael Espadero, dakong alas-8:30 ng gabi ng matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang anak na si Rona matapos itong umuwi galing eskuwelahan kaya nagawa pa nitong maisugod sa ospital ang ama.
Narekober sa bangkay ang isang suicide note na may nakasaad na "Pasensiya na kayo kung nagawa ko man ang ganito, dahil ito lamang ang nararapat gawin dahil marami na akong nararamdaman.
Kanina lamang ay sumuka na ako ng dugo. Huwag na kayong mag-alala mahal ko kayong lahat lalo na ang mga bata.
Patawarin ninyo ako. Kung ipagagamot pa ninyo ako ay gagastos lang kayo, doon din naman ang tuloy, kaya huwag nyo na akong alalahanin."
Matagal na umanong idinadaing ng biktima ang sakit nito sa baga pero dahil sa kahirapan sa buhay ay hindi umano nila magawa pang ipagamot. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended