Kinilala ni C/Insp. Angelita Alvarico, hepe ng Womens and Childrens Section ng Makati police ang suspek na si Lorna dela Cruz, walang trabaho at nakatira sa #1279 Basilio st., Sampaloc, Maynila.
Ayon sa guwardiyang si Eduardo Gavino, 27, nakatalaga sa Avigor Tower Condominium sa Dela Costa st., Salcedo Village, nasabing lungsod, dakong alas-9 kamakalawa ng gabi habang nagbabantay siya sa nabanggit na kumpanya ng lapitan siya ni dela Cruz at aluking bilhin ang anak ng suspek na kinilala sa pangalang Jayson.
Tumanggi si Gavino at pinayuhan si dela Cruz na iuwi na lamang ang bata at huwag itong ipagbibili, pero mapilit ang babae at ipinangalandakan nitong ibenta ang anak.
Nang makulitan na ang guwardiya ay tumawag na ito ng pulis at ipinaaresto ang babae hanggang sa dalhin sa police station ang ina.
Ang bata ay nasa pangangalaga ng Makati Social Services Department habang ang ina nito ay nakatakdang sampahan ng kasong child abuse. (Ulat ni Lordeth Bonilla)