Pamangkin ng mayor todas sa ambush
March 16, 2001 | 12:00am
Napatay ang presidente ng Asosasyon ng mga Barangay Captain (ABC) na pamangkin ni Las Piñas City Mayor Vergel "Nene" Aguilar, matapos itong tambangan at barilin ng hindi pa kilalang salarin malapit sa barangay hall ng CAA compound, nabanggit na lungsod.
Kinilala ng Las Piñas City Police ang biktima na si Abet Aguilar, 34, ng #1208 Tropical Avenue, B.F. International at barangay captain sa nabanggit na lugar na binawian ng buhay habang ginagamot sa Perpetual Help Hospital sanhi ng ilang tama sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Samantala, blanko pa ang pulisya sa responsable sa pamamaril na mabilis na tumakas.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:50 kahapon ng tanghali. Papasakay ang biktima ng kanyang kotseng Honda City na kulay silver at may plakang UTR-302 nang hindi nito namalayan ang suspek na walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima.
Napag-alaman na ang biktima ay may mahigpit na kampanya laban sa pagsugpo ng ipinagbabawal na gamot sa nabanggit na lugar.
May hinala ang pulisya na may kaugnayan sa droga ang naganap na pagpaslang dito na posibleng isang sindikato ng droga ang nasagasaan ni Aguilar.
Bukod sa droga, tinitingnan pa rin ng pulisya ang anggulong pulitika na may kaugnayan sa nalalapit na halalan sa Mayo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am