^

Metro

QC, lugar ng payapang halalan - Comelec

-
Maituturing na isang mapayapang lugar na pagdarausan ng halalan sa Mayo ang buong Quezon City, batay sa pagtaya ng Commission on Elections (Comelec) sa nasabing lungsod.

Ayon kay Atty. Jovencio Balinguit ng Comelec QC, masasabi nilang matahimik ang magaganap na halalan sa QC sa darating na Mayo14 dahilan sa wala naman silang mga lugar dito na maituturing na hotspots.

Binigyang-diin ni Balinguit na patuloy din anya ang koordinasyon ng kanilang tanggapan sa Quezon City police para sa masusing pagbabantay at pagtiyak sa kaayusan at matahimik na eleksyon.

Binanggit din nito na sa kasalukuyan, wala naman silang nakikitang maaaring maging problema sa pagdaraos ng halalan sa QC at maging sa mga election paraphernalia ay wala silang problema rito.

Gayunman, sinabi ni Balinguit na hindi pa rin sila makakasiguro kung hindi mawawalan ng kuryente ang Comelec QC dahil sa tuwing eleksyon ay nagaganap ang pagkawala ng ilaw.

Umaasa naman ang lahat ng QC Comelec officials na hindi na mangyayari pa na mawalan ng suplay ng kuryente dahil nakabayad na ang Comelec sa kanilang malaking utang sa Meralco. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BALINGUIT

BINANGGIT

BINIGYANG

COMELEC

CRUZ

GAYUNMAN

JOVENCIO BALINGUIT

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with