^

Metro

Dengue kalat na sa Metro schools

-
Inalerto kahapon ni Department of Education, Culture and Sports (DECS) Secretary Raul Roco ang mga paaralan sa buong bansa, partikular na sa Metro Manila na magsagawa ng malawakang paglilinis matapos na mabatid ang mataas na bilang ng insidente ng sakit na dengue sa mga mag-aaral.

Iniulat ng Department of Health (DOH) na kumpara sa ganitong panahon nitong nakaraang taon ay nagkaroon ng pagtaas ng antas ng dengue lalung-lalo na sa mga pampublikong mga paaralan sa Metro Manila.

Ayon sa National Epidemic Sentinel Surveillance System ng DOH, nabatid na mula Enero 1 hanggang 20, 2001, tinatayang 123 kaso na ng dengue ang kanilang naiulat sa National Capital Region lamang.

"Ang mga paaralan ang siyang lugar na mabilis ang pagkalat ng sakit lalo na ang dengue dahil sa ito ay masyadong kulong at masikip at karamihan pa sa mga naririto ay mga bata na masyadong aktibo," pahayag pa ni Roco.

Nakasaad sa naging tagubilin ng kalihim sa school principals na dapat na huwag magpapanatili ng mga lugar na maaaring maging sanhi ng pagdami ng mga Aedis aegypti mosquito tulad ng mga flower vase, latang walang laman at bote.

Mayroong mga nakakarating na ulat kay Roco mula sa mga magulang ng mga paaralan na ang palikuran ay hindi nalilinis nang wasto. (Ulat ni Danilo Garcia)

CULTURE AND SPORTS

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL EPIDEMIC SENTINEL SURVEILLANCE SYSTEM

ROCO

SECRETARY RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with