Babae ni-rape/slay bago itinapon sa ilalim ng tulay
March 12, 2001 | 12:00am
Pinaniniwalaang ginahasa, pinahirapan bago pinatay sa sakal ang isang magandang babae, matapos matagpuan ang hubot hubad na katawan nito na nakatali ang mga kamay ng stocking sa ilalim ng tulay ng Barangay San Antonio, Parañaque City.
Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang pagkakakilanlan sa biktima maliban sa mahabang buhok nito, tinatayang nasa edad na 18-anyos pababa, may taas na 52" hanggang 54" at mayroong balat sa kaliwang braso.
Ayon kay P/Sr. Inspector Wilfredo Calderon, commander ng Presinto 4, Parañaque City Police, nakatanggap sila ng tawag mula sa telepono sa ilang residente ng Valley, Barangay Sa Antonio ng nabanggit na lungsod na isang hubot hubad na bangkay ng babae ang natagpuan sa nabanggit na lugar dakong alas-8:30 kahapon ng umaga.
Dahil dito, mabilis na rumesponde ang mga pulis sa naturang lugar at nakita nila ang nakakaawang itsura ng biktima.
Posible aniyang kamakalawa ng gabi lamang isinagawa ang pagpatay sa biktima ng hindi pa kilalang salarin, dahil malambot pa ang bangkay nito nang matagpuan ng mga residente sa nabanggit na lugar. Sa ngayon ay masusing iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended