^

Metro

Killer sa kabarong pulis, hinatulan ng 17 taong kulong

-
Isang dating pulis na napatalsik sa serbisyo ang hinatulan ng Pasig Regional Trial Court ng 17 taong pagkakabilanggo at nakatakda pang magbayad ng halagang P1.115 milyong piso sa pamilya nang napatay niyang kapwa niya pulis noong 1993 sa Taguig, Metro Manila.

Hinatulan ng guilty ni Judge Jesus Bersamira ng Pasig RTC Branch 166 ang akusadong si dating PO1 Efren Dangdang, dating nakatalaga sa Southern Police District Headquarters at residente ng #425-K M.L. Quezon st., Purok 6, Lower Bicutan, Taguig sa pagpatay sa kapwa niya pulis na si PO2 Jeffrey Largo, nakatalaga sa PNP Special Action Force.

Sa rekord ng korte, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi noong Oktubre 10, 1993 sa bahay ng kapwa pa niya pulis na si PO2 Lindon Dimaiwat, sa may Lower Bicutan, Taguig.

Ibinasura naman ni Judge Bersamira ang alibi ng akusado na nagsabing rumesponde lamang umano siya sa isang gulong nagaganap sa naturang lugar at tinangkang agawin ang kanyang baril kaya niya ito napaputukan. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

EFREN DANGDANG

JEFFREY LARGO

JUDGE BERSAMIRA

JUDGE JESUS BERSAMIRA

K M

LINDON DIMAIWAT

LOWER BICUTAN

METRO MANILA

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with