Ang biktimang si Alvin Inocencio, binata, estudyante ng Philippine Maritime Institute (PMI), may kursong customs administration at residente ng Villa Susana, Caniogan, Pasig City ay bigla na lamang pinagsasaksak habang naglalakad sa kahabaan ng Tomas Pinpin st., nasabing lugar dakong alas-7 ng gabi.
Sa imbestigasyon ni Western Police District Homicide Division detective Edmundo Cabal, ilang saksi ang nakakita sa biglang pagsulpot ng suspek at agad pagsasaksakin sa dibdib ang biktima.
Tumakbo papalayo ang biktima hawak-hawak ang dibdib nito at ilang segundo lamang ay bumagsak ito.
Masusi nang sinisiyasat ng pulisya kung si Inocencio ay biktima ng holdap o kasapi ng isang fraternity.
Napag-alaman na nakatakdang gumradweyt ang biktima ngayong Marso. (Ulat ni Grace Amargo)