Mag-ama nagtulong sa pagpatay sa kapitbahay
March 10, 2001 | 12:00am
Maging sa krimen ay pinatunayan ng mag-ama ang kanilang pagkakaisa matapos na pagtulungang patayin ang kanilang nakainumang kapitbahay na matagal nang kagalit ng kanilang pamilya, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.
Dead-on-arrival sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng limang tama ng saksak sa buong katawan ang biktimang si Winifredo Melicio, 30, obrero, ng Balubad st., Marikina City.
Nadakip naman ng pulisya ang isa sa mga suspek na si Carlito Mansorado, 56, kung saan isinakripisyo nito ang sarili upang makatakas naman ang kanyang anak na si Sergio, 36, kapwa residente ng #120 Balubad st., ng lungsod na ito.
Sa ulat ng pulisya, nag-iinuman kamakalawa ng gabi ang mag-ama kasama ang biktima at ilan pang kalalakihan sa kanilang lugar at nagbibiruan ng biglang mahalungkat ang isang atraso ni Melicio sa mas matandang Mansorado.
Isang pagtatalo ang sumiklab pero naawat ng iba nilang kainuman. Para makaiwas sa gulo, umuwi na lamang si Melicio dakong alas-2 ng madaling-araw.
Lingid sa kanyang kaalaman, umalis na rin sa umpukan ang mag-amang Mansorado at sinundan siya at sa isang eskinita ay pinagtulungang gulpihin at saksakin ang biktima.
Nang rumesponde ang mga barangay tanod ay nagpaiwan si Carlito para lituhin ang mga tanod at makatakas ang kanyang anak.
Nakatakdang sampahan ng kasong murder si Carlito na nakakulong ngayon sa Marikina detention cell pati na rin ang kanyang anak. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended