Daboy inabandona ng bise

Inabandona na ni Jopet Peter Sison ang kanyang running mate na si Rudy Fernandez bilang vice mayor nito matapos magpahayag kahapon ang una ng kanyang pag-ayaw at ipahayag na mas pinili nito ang posisyong assistant general manager ng National Housing Authority (NHA) kaysa maging vice mayoralty candidate ni Daboy sa Quezon City.

Sa isang pulong balitaan na ipinatawag ni Sison kahapon, pormal nitong sinabi ang kanyang pag-atras sa kanyang kandidatura bilang bise ni Daboy.

Sinabi ni Sison na matagal niyang pinag-aralan ang kanyang naging desisyon at minabuting tanggapin ang alok ni Pangulong Arroyo para sa NHA post.

Si Sison ay pormal na nagharap ng kanyang withdrawal sa Commission on Elections (Comelec) sa QC.

Sa darating na Lunes ay sisimulan na nito ang pag-upo at pagganap sa bago nitong posisyon. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

Show comments