Inaresto sina Nory Corpuz, 21, dalaga, 2nd year Commerce student at scholar ng CEU, residente ng 4041 F. Nazario st., Kalayaan Avenue naturang lungsod at Annalyn Reyes, 22, service crew ng Shakeys, ng Liwayway st., Sta. Ana, Manila.
Sa reklamo ni Insp. Marcial Fa-ed, alas-2:30 kamakalawa ng hapon ng dumating sa nasabing tanggapan sina Corpuz at Reyes dala ang halagang P7,000 at kinausap si Fa-ed na ayusin na lamang ang kaso ng nobyo ni Corpuz na si Kenneth Yu na nakakulong sa nasabing police station matapos maaresto noong Marso 6, 2001 sa kasong droga.
Inalok umano ng dalawang babae si Fa-ed na pakawalan si Yu kapalit ng P7,000. Imbes na magpatangay sa panunuhol ng mga babae ay agad inaresto ang dalawa at ikinulong sa Makati detention cell.
Itinanggi naman ng mga suspek na sinusuhulan nila si Fa-ed at sinabing ang dala nilang pera ay pampiyansa umano kay Yu at hindi pansuhol. (Ulat ni Lordeth Bonilla)