^

Metro

CEU coed, Shakey's crew tiklo sa panunuhol

-
Isang scholar ng Centro Escolar University (CEU) at isa pang service crew ng Shakey’s ang dinakip matapos umanong suhulan ng mga ito ang isang opisyal ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Makati police ng halagang P7,000 kapalit ng pagpapalaya sa nobyo ng una na nakakulong sa kasong droga, kamakalawa ng hapon.

Inaresto sina Nory Corpuz, 21, dalaga, 2nd year Commerce student at scholar ng CEU, residente ng 4041 F. Nazario st., Kalayaan Avenue naturang lungsod at Annalyn Reyes, 22, service crew ng Shakey’s, ng Liwayway st., Sta. Ana, Manila.

Sa reklamo ni Insp. Marcial Fa-ed, alas-2:30 kamakalawa ng hapon ng dumating sa nasabing tanggapan sina Corpuz at Reyes dala ang halagang P7,000 at kinausap si Fa-ed na ayusin na lamang ang kaso ng nobyo ni Corpuz na si Kenneth Yu na nakakulong sa nasabing police station matapos maaresto noong Marso 6, 2001 sa kasong droga.

Inalok umano ng dalawang babae si Fa-ed na pakawalan si Yu kapalit ng P7,000. Imbes na magpatangay sa panunuhol ng mga babae ay agad inaresto ang dalawa at ikinulong sa Makati detention cell.

Itinanggi naman ng mga suspek na sinusuhulan nila si Fa-ed at sinabing ang dala nilang pera ay pampiyansa umano kay Yu at hindi pansuhol. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANNALYN REYES

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

CORPUZ

DRUG ENFORCEMENT UNIT

KALAYAAN AVENUE

KENNETH YU

LORDETH BONILLA

MAKATI

MARCIAL FA

NORY CORPUZ

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with