^

Metro

3 holdaper pinagtiyagaang sundan ng 2 biktima; 2 tiklo

-
Apat na araw matapos ang kanilang matagumpay na jeepney holdap, minalas naman ang dalawa sa tatlong holdaper matapos na pagtiyagaan silang sundan ng dalawa sa mga pasaherong biktima at masukol ng mga awtoridad, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Nahaharap sa mga kasong robbery at paglabag sa anti-deadly weapon ng Omnibus Election Code ang mga suspek na sina Michael Locsin, 24, ng #259 Merville Subd., Bgy. San Miguel, Pasig; at Hector Deneros, 31, house painter, taga-Blk. 37, Lot 7, Bagong Nayon, Cogeo, Antipolo City.

Nakuha sa pag-iingat nina Locsin at Deneros ang isang balisong at sukbitan ng baril na ang lamang .38 kalibre ay pinaniniwalaang naitakas ng nakatakbo nilang kasamahan.

Ayon sa ulat ni SPO1 Rafael Ranot, may hawak ng kaso, naganap ang pagkakadakip sa mga suspek dakong ala-1:45 ng madaling-araw kahapon nang muling makita ng mga biktimang sina Daniel Reyes, 30, manager, residente ng Rosemarie Lanes, Bgy. Kapitolyo, Pasig City; at Rommell Badjao, 26, kusinero, taga-Blk. 19, Banawag st., Bgy. Pineda, Pasig, ang tatlong suspek na sumakay sa isang jeep sa may Rizal Capitol building.

Agad nilang sinundan ito sakay ng isang taxi hanggang sa bumaba ang dalawa sa may EDSA Central Shopping Complex sa may Shaw Blvd. Tiyempong papalabas naman ng isang convenience store ang guwardiyang si Richard Datuin, 34, ng Leonard Security Agency at nakatalaga sa kalapit na Greenfield Bldg. kaya nakahingi ng saklolo ang mga biktima.

Mabilis na kinumpronta ni Datuin ang mga suspek subalit nang tanungin sila sa ginawang panghoholdap sa mga biktima ay agad na nagtatakbo ang tatlo. Niradyuhan naman ni Datuin ang dalawa pa nitong kasamang sekyu na nagresulta ng pagkakaaresto ng dalawa habang nakatakas naman ang isa pa.

Sa salaysay ng dalawang biktima, papauwi na sila dakong alas-3:30 ng madaling-araw noong nakalipas na Huwebes sakay ng isang jeep nang magdeklara ng holdap ang tatlong suspek sa tapat ng San Antonio Village sa Pasig. Nilimas ng mga ito ang tinatayang P32,500 halaga ng salapi, alahas at cellphone ng mga pasahero at driver. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTIPOLO CITY

BAGONG NAYON

BGY

CENTRAL SHOPPING COMPLEX

DANIEL REYES

DANILO GARCIA

DATUIN

GREENFIELD BLDG

PASIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with