Vina Morales nahaharap sa 1-taon kulong
March 7, 2001 | 12:00am
Nahaharap sa isang taong kulong ang actress/singer na si Vina Morales dahil sa pagte-text habang nagmamaneho na naging sanhi para siya mabangga noong nakaraang Huwebes ng gabi sa Quezon City.
Si Morales, Sharon Magdayao sa tunay na buhay, 25, ng #30 Ignacio st., North Susana subdivision, Diliman ay nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence dahil sa umanoy paglabag sa City Ordinance No. 507 na nagbabawal sa paggamit ng cellular phone at iba pang communication devices habang nagmamaneho sa lungsod ng Quezon.
Bagaman nakaligtas sa tiyak na kapahamakan at masuwerteng hindi nagtamo ng anumang sugat, nawasak naman ang Honda CRV ni Morales.
Nabatid sa traffic reports na ang insidente ay naganap noong nakaraang Huwebes dakong alas-9:30 ng gabi sa Katipunan Avenue habang binabagtas ni Morales ang direksiyon patungong Aurora Boulevard.
Sa harap ni Morales ay isang tumatakbong construction cement mixer na may plakang WEF-174 na minamaneho ng isang Anthony Pialago, 23, residente ng #126 Daang Bakal, Tanyag, Taguig.
Abala umano ang aktres sa kanyang cellphone kaya hindi nito napansin nang huminto na ang mixer matapos mag-red ang traffic light.
Dahil dito ay sumalpok ang sasakyan ni Morales sa mixer.
Sakaling mapatunayan na ginagamit nito ang cellphone habang nagmamaneho, maaaring makulong si Morales at magbayad ng kaukulang multa. (Ulat ni Matthew Estabillo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended