^

Metro

7 PAOCTF agents suspek sa Dacer

-
May malaking kaugnayan umano sa pagkawala ni PR man Salvador "Bubby" Dacer at driver nitong si Manuel Corbito ang pitong ahente ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na nagsagawa ng raid sa isang bahay malapit sa tirahan ng nasabing PR man, tatlong araw bago naganap ang pagdukot sa San Andres Bukid, Malate.

Ito ang ipinahayag ni NBI Director Reynaldo Wycoco makaraang positibong kilalanin ng mga testigo sa pagdukot kina Dacer sa file photo ng NBI ang ilan sa pitong PAOCTF agents. Pansamantalang hindi muna ibinunyag ni Wycoco ang mga pangalan ng sangkot, gayunman kinilala ang pito na sina Inspectors Wilson Pedido at Dionisio Bony, SPO4 Willy Nuas, SPO2 Gemercito Cagnayo, SPO1 Adelaido Celraco at PO3s Roco Matic at Edmund Gacuti.

Sinabi ni Wycoco na hindi niya kinukumpirma o kinakaila ang pagkakasangkot ng pitong miyembro ng PAOCTF sa kaso ni Dacer na nagsagawa ng pagsalakay sa isang bahay sa Sun Valley subd. sa Parañaque City, ilang metro lamang ang layo sa bahay ni Dacer sa Marigold st., sa nasabing subdibisyon noong Nobyembre 21.

Ang pito ay nahaharap sa mga kasong obstruction of justice, anti-graft and corrupt practices, violation of dangerous drugs at malversation of funds.

Inamin ni Wycoco na ilan sa pitong nabanggit ang kinilala ng mga testigo na dumukot kina Dacer at Corbito noong umaga ng Nobyembre 24, 2000 sa South Superhighway, San Andres, Bukid habang lulan ng kanilang Toyota Revo na kulay puti. (Ulat ni Ellen Fernando)

ADELAIDO CELRACO

DACER

DIONISIO BONY

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

EDMUND GACUTI

ELLEN FERNANDO

GEMERCITO CAGNAYO

INSPECTORS WILSON PEDIDO

MANUEL CORBITO

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with