^

Metro

Motorsiklo sumemplang dahil umiwas sa checkpoint, pulis nasugatan

-
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang lalaki matapos na sumemplang at tumalsik siya sa sinasakyang motorsiklo nang tumanggi itong huminto sa isang gun ban checkpoint pero nahagip din nito ang isa sa mga pulis, kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Ginagamot sa Rizal Medical Center ang hindi nakikilalang biktima na walang identification card. Nagtamo ito ng sugat sa ulo matapos na tumalsik sa bangketa.

Dinala rin sa naturang pagamutan ang pulis na si PO1 Joven Alfonso, miyembro ng Mobile Patrol Unit ng Pasig police dahil sa tinamong sugat nang mahagip siya ng motorsiklo ng naturang lalaki.

Sa ulat ni P/Insp. Santiago Pascual, hepe ng Anti-Carnapping Unit, nagsagawa ng isang checkpoint ang pulisya dakong alas-12:40 ng madaling-araw sa Marcos Highway kanto ng A. Rodriguez Avenue, Bgy. Santolan, Pasig City para sa Comelec gun ban.

Isang humaharurot na puting Yamaha Ninja (RP-5634) na sinasakyan ng naturang lalaki ang pinahinto ng pulisya ngunit sa halip na mag-menor ay pinasibad pa nito nang husto ang motorsiklo.

Dito humarang sa daanan si PO1 Alfonso kaya nahagip ito ng motorsiklo. Nawalan naman ng kontrol ang suspek kaya bumangga ito sa gutter ng kalsada at tumalsik sa sementadong sidewalk.

Nang beripikahin ng pulisya ang plaka ng sasakyan, nabatid na nakarehistro ito sa isang Carlito Carlos, ng #69 Sta. Ana Extension, Marikina West, Bgy. San Roque, Marikina City at ang naturang plaka ay orihinal na nakakabit sa isang asul na Yamaha Target 90cc.

"Maaaring natakot iyong lalaki dahil sa tampered ang plaka ng motorsiklo niya kaya hindi siya huminto. Wala namang nakuha sa kanya na baril at tanging ang damit at alahas lamang ang nasa kamay namin ngayon," ani Pascual. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANA EXTENSION

ANTI-CARNAPPING UNIT

BGY

CARLITO CARLOS

DANILO GARCIA

JOVEN ALFONSO

MARCOS HIGHWAY

MARIKINA CITY

MARIKINA WEST

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with