^

Metro

Baklas Posters sa Makati City sinisimulan na

-
Maaaksaya lamang ang milyong piso na pinagkakagastusan ng mga kandidato para sa kanilang mga poster dahil mababakbak lamang ito matapos ipatupad ang mahigpit na direktiba ng pamahalaang lungsod ng Makati ang operasyon ng "Baklas Posters" sa kahabaan ng EDSA Avenue.

Nabatid na maging ang mga lugar na ipinagbabawal ang pagdidikit ng posters ay dinidikitan din at hindi nakaligtas sa mga "sipsip" na alalay ng mga kandidato dahilan upang dumumi ang mga pader at poste, partikular na iyong mga kapipintura lamang katulad ng Metro Rail Transit stations na nababoy matapos na magkapatung-patong dito ang posters ng mga kandidato.

Pinagbabaklas ng mga tauhan ng Solid Waste Management sa Makati City Hall ang mga posters ng tumatakbong alkalde, bise-alkalde, konsehal, senador at congressman sa lungsod ng Makati.

Nauna rito ay marami na ring nadakip sa mga nagsisipagdikit ng posters dahil sa kabiguang mabigyan ang mga ito ng tamang instruksyon kaugnay sa kanilang ginagawa.

Nanawagan si Makati Mayor Dra. Elenita Binay sa mga kumakandidato sa naturang lungsod na i-seminar at bigyan ng mga tamang direktiba ang kani-kanilang tauhan upang tumupad sa batas sa pagdidikit ng kanilang mga posters nang hindi masayang at mauwi sa wala ang milyong pisong kanilang ginastos sa pagpapaimprenta ng mga ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BAKLAS POSTERS

DRA

ELENITA BINAY

LORDETH BONILLA

MAAAKSAYA

MAKATI

MAKATI CITY HALL

METRO RAIL TRANSIT

SOLID WASTE MANAGEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with